Filipino: Wika ng Saliksik (Buwan ng Wika 2018)


        Taon-taon ating ipinagdiriwang ang buwan ng wika sa ating bansa. Para sa taong 2018, pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Kapasiyahan Blg. 18-24 na nagpapahayag na ang tema ng Buwan ng Wika ay “Filipino: Wika ng Saliksik.” Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Related image

               Sa ating murang isipan, madalas nating naiisip na mas magandang matutunan at gamitin ang wikang Ingles. Totoo na mahalagang matutunan at marunong tayong magsalita sa Ingles. Ngunit sa kagustuhan nating bumagay at maging mas mataas sa tingin ng ibang tao, nakakaligtaan nating matuto at magsalita sa sarili nating wika. Sa ating pag-aaral, kasali sa ating mga asignatura ang Filipino. Iba't ibang opinyon at pakikitungo ang ating nararanasan. May mga magagaling at mayroon ding mga mahihina dito. May mga inaantok kapag nasa klase at may mga sobrang aktibo naman. Bakit hindi natin naiisip ang kahalagahan ng ating sariling wika? Hindi ba natin naiisip na maaaring maging tulay ito sa mga Pilipino na hindi pa lubos nahasa ang pagsasalita sa Ingles? Sobrang daming tanong ang pwedeng ibansag sa ating mga Pilipino. Tayo na at ating alamin.

Image result for buwan ng wika 2018   
             Sa pananaliksik, mahalaga ito dahil kapag nangangalap tayo ng impormasyon mas madali tayong makikipag-usap at makipagpanayam sa mga tao. Malaking tulong din ang wikang Filipino dahil kapag tayo'y nagpepresenta ng ating mga nakalap, hindi sa lahat ng pagkakataon ay Ingles ang dapat na gamitin. Bakit? Dahil maaaring ang ating mga manunuod at mga nakikinig sa atin ay hindi  masyadong nakakaintindi ng Ingles o talagang hindi marunong sa wikang ito. Ang Filipino ang magiging kaakibat para makatugon sa mga taong nais pang lumalim ang kaalaman sa ating saliksik pati na sa wikang ito kasali na ang pagsusulat, pagbabasa at iba pa.

         Hindi agad-agad at ganoon kadali ang pagiging bihasa sa ating wikang Filipino. Pero naniniwala akong kapag may sapat na pag-aaral, pagpupursugi at hangaring matuto ay maaabot natin ang ating mga minimithi. Ito ang pagpapalaganap sa ating wika sa iba't ibang larangan ng karunungan hindi lang sa pagsasaliksik kundi pati sa agham at matematika. Ngunit kapag iisipin, hindi lang naman ito ang maaari nating makuha kapag napagyaman natin ang ating wikang Filipino. Puwede din nating ibahagi sa iba ang ating mga nalalaman.


         Tunay ngang mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino na ating maisasanay sa ating pananaliksik. Bukod dito, hindi tayo magiging kahiya-hiyang mamamayan ng ating bansa dahil tayo ay marunong gumamit ng sariling wika at ipinagmamalaki natin ito. Kaya naman, tayo'y magtulungan para maipalaganap ang ating wikang Filipino sa ating mga kababayan at pati na rin sa mga taong gustong matuto ng ating lengwahe. 



References:
http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wika-2018-filipino-ang-wika-ng-saliksik/
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhZ5gTE1queLg3S0VOgNUNH6sd6e_93KnL4W1cQzL1_9N-LZDd8pF0Q4J4YCk0-Lv7wxwLaWtofoDs2pjiSFRzf9PPTsj52oLP6dqUxlUdiD9jBfPMlfy9wlb659dtokGuBvq6yVIdMO3Q/s1600/buwan-ng-wika-2018-poster.jpg
https://hugmeimnotscaredlol.files.wordpress.com/2015/08/img_6422.jpg

Comments

  1. napakaganda naman niyan

    ReplyDelete
  2. Magaling kang gumawa ng artikulo crisselda! Isa kang alamat! :)

    ReplyDelete
  3. Nakakainggit ang iyong kahusayan sa pagsulat, Crisselda. Ang iyong magandang kinabukasan ay naghihintay lamang sa iyo! #makabayanatitsbest #loveforthephilippines

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts