Paalala, Paggamit ng Gadgets Limitahan

"Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan ng Pamilya at Kapwa"

Hindi lingid sa ating kaalaman, na tayo'y nabubuhay na sa makabagong henerasyon. Halos lahat ng tradisyunal na paraan ngayon ay may katumbas ng modernong paraan o madalas ito'y may kinalaman na sa mga gadget. Tunay ngang may malaking ambag ang mga gadget sa ating mga buhay. Ngunit sa ating paggamit ng mga ito, tayo naman ang lumalayo sa realidad. 
Image result for pictures of gadgets
Ang mga gadget tulad ng cellphone, laptop, ipad, tablet at iba pa ay ating karaniwang ginagamit sa komunikasyon. Sa tulong ng internet ay nakakaya nating kumonekta sa iba't ibang tao saan mang bahagi ng mundo. Bukod dito, ginagamit rin ang mga ito sa pag-aaral tulad ng pananaliksik at paggawa ng mga powerpoint, reaksiyong papel at iba pa. Hindi naman mawawala sa mga gamit ng gadgets ang paglilibang. Sa ating mga gadgets, tayo ay nakapaglalaro ng iba't ibang mga games at hahangaring ipataas ang level nito.


Alam ko, karamihan sa atin ay nilalamon na ng paggamit ng mga gadgets. Ngunit, hindi ba natin naisip na sa kagustuhan nating kumonekta sa mga tao ay sarili na nating pamilya at kapwa ang nawawalan ng koneksyon sa isa't isa? Siguro, hindi. Isipin natin, kapag magkakasama kayo ng iyong pamilya sa hapag man, pagtitipon o kahit na anong kasayahan, kinakausap niyo ba ang isa't isa? Nakapagkukuwento ba kayo ng mga nangyari sa nakalipas na mga araw, linggo o buwan? Ipagpalagay naman natin na may mga nakasama ka sa isang grupo na taga-ibang paaralan, kakausapin mo ba sila? makikipagkaibigan ka ba?

Image result for pictures of people using gadgets

Kung hindi ang naging sagot niyo sa mga sitwasyong nabanggit, ibig sabihin ay may posibilidad na sa mga ganoong sirkumstansiya ay ang mga gadget ninyo ang nagiging sandalan niyo. Siguro dahil sa bagot na matatanda ang nag-uusap? O di kaya'y wala lang kayong interes makinig? Puwede ring nahihiya kayo? O ayaw niyo lang talagang makipag-usap sa iba? 

Hindi masama ang paggamit ng mga gadget. Ngunit dapat nating matutunan ang tamang paggamit ng mga ito. Dapat alam natin ang mga limitasyon sa paggamit. Hindi lang kasi ugnayan sa pamilya at kapwa ang maaapektuhan. Maaari ding maapektuhan ang ating kalusugan. 

Maraming mabuting naidudulot sa atin ang ating mga gadget. Pero sana huwag nating kakalimutan ang ating pamilya at kapwa dahil sa paggamit ng mga ito. Sana isaisip natin na lahat ng sobra ay magdudulot at magdudulot ng masama sa atin.


References:
https://cdn.wideinfo.org/wp-content/uploads/2017/08/final_cb_0086.0-1.jpg
http://igadgetbazaar.com/wp-content/uploads/2015/11/mac-book.jpg

Comments

Popular Posts